^

Probinsiya

P20/kilong bigas mabibili na sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
P20/kilong bigas mabibili na sa Cavite
Varieties of rice are on display for sale at Kamuning Public Market in Quezon City on March 18, 2025.
STAR/ Michael Varcas

CAVITE, Philippines — Maagang nagsipila ang mga senior citizen at Persons With Disability (PWD) na residente ng Barangay Salitran III sa lungsod ng Dasmariñas para sa “Benteng Bigas, Meron na!” program rollout ngayong araw, Mayo 16.

Ayon kay Jennifer Ibayan, city agriculturist, binibigyang prayoridad ng unang pasada ng P20 kada kilo na bigas ang mga residenteng kabilang sa vulnerable sector, kabilang na ang mga senior citizen, persons with disability, solo parents, at mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Piipino Program (4Ps).

Siniguro ni Ibayan na magpapatuloy ang bentahan ng P20 bigas sa lungsod hangga’t mayroong supply nito.

Suportado ng pamahalaang lungsod ang pagbebenta ng murang bigas na layuning tulungan ang mga kababayan nating kabilang sa vulnerable sector na magkaroon ng sapat at masustansyang pagkain.

Ang “Benteng Bigas, Meron na!” ay katuparan ng pangako ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing abot-kaya ang halaga ng mga pangunahing bilihin sa ilalim ng Bagong Pilipinas.

PWD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with