Higit 80 porsyento sa Bicol region, bumoto

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Umabot lahat sa 85.12 porsyento o mahigit sa 3.4 milyong bilang ng mga Bicolano mula sa 4.05 milyong registered voters sa rehiyon ang bumoto noong nakaraang May 12 midterm elections.
Ayon kay Comelec regional director Atty. Maria Juana Valeza, isa ang Kabikolan sa mga rehiyon sa bansa na may mataas na voters turnout.
Sa anim na lalawigan, ang Albay ang may pinakamataas na voters turnout na umabot sa 89.37 porsyento mula sa 940,114 botante ng lalawigan; sumunod ang Catanduanes na nasa 86.60 porsyento; Sorsogon na may 85.92 porsyento; 85.27 porsyento sa Camarines Norte; 84.25 porsyento sa Camarines Sur; at ang Masbate ang may pinakababa na nasa 79.28 porsyento.
Dahil sa mataas na bilang ng mga bumoto sa rehiyon, pinasalamatan ni Atty. Valeza ang mga nagpartisipa sa halalan.
Sa kabuuan, sa tulong ng mahigit 40-libong teaching and non-teaching personnel ng Department of Education 5; Police Regional Office 5; AFP lalo na sa Philippine Army; Philippine Coast Guard, Land Transportation Office 5, PNP- Highway Patrol Group at iba pang sangay ng pamahalaan at law enforcement agency ay naging matagumpay at tahimik ang halalan sa buong rehiyon.
- Latest