^

Probinsiya

6 wanted arestado sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

Camp General Alejo S. Santos, Malolos City, Bulacan , Philippines — Anim na katao ang naaresto sa isinagawang manhunt operation noong Mayo 15, 2025, isa sa kanila ay kabilang sa listahan ng mga Most Wanted Person na nahuli ng mga operatiba ng San Jose Del Monte City Police Station, habang lima pa ang naaresto ng Plaridel at Norzagaray Municipal Police.

Sa ulat na isinumite kay PCol. Franklin Estoro, Officer-in-Charge ng Bulacan Police Provincial Office, bandang alas-3:58 ng hapon sa Brgy. Poblacion 1, CSJDM, Bulacan, nagsilbi ng warrant of arrest ang tracker team ng San Jose Del Monte Police Station kay alyas “Arturo,” 41-taong gulang at residente ng Brgy. Graceville, San Jose Del Monte, Bulacan. Si “Arturo” ay nakalista bilang Top 2 Most Wanted Person (City Level) at nahaharap sa kasong paglabag sa Artikulo II, Seksyon 11 ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Ang warrant of arrest laban sa kanya ay inilabas noong Abril 16, 2025, ng Branch 120, Regional Trial Court, Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan.

Bukod dito, limang indibiduwal din ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng tracker team’s ng CIDG, Norzagaray, at Plaridel MPS sa bisa ng kani-kanilang mga warrant of arrest. Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga arresting units/stations ang mga suspek para sa tamang disposisyon.

Ang sunud-sunod na matagumpay na operasyon ng Bulacan Police Provincial Office sa pangunguna ni PCol Franklin P Estoro ay patunay ng patuloy na pagtutok at mas pinaigting na kampanya laban sa kriminalidad upang mahuli ang wanted na indibidwal sa lalawigan.

SAN JOSE DEL MONTE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with