8 human trafficking survivors sa Zambales, tinulungan ng DSWD
MANILA, Philippines — Inasistihan ng social workers ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office 3-Central Luzon ang walong katao na na-rescue sa isang anti-human trafficking entrapment operations na pinangunahan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang bar sa East Dirita, San Antonio, Zambales.
Ayon kay DSWD spokesperson at Asst. Secretary Irene Dumlao, agad na tinulungan ng mga social workers ang walong victim-survivors kabilang dito ang tatlong minors na biktima ng sexual exploitation.
“After the rescue operation, our social workers immediately secured the victim-survivors and attested to their sworn statements. We will also conduct psychosocial counseling sessions to help them recover from the traumatic incident,” ayon kay Dumlao.
Aniya, ang tatlo sa victim-survivors ay ieendorso nila sa DSWD partner-non-government organization (NGO) para sa temporary residential care habang ang lima ay nakabalik na sa kani kanilang pamilya.
“The DSWD, as the co-chair of the Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), strongly condemns acts of trafficking in person. We appeal to the public to help the government to prevent this type of crime by reporting human trafficking and sexual exploitation cases to our law enforcers,” dagdag ni Dumlao.
Maaaring makipag-ugnayan ang publiko at idulog ang anumang kaso ng human trafficking sa Trafficking in Persons (TIP) Helpline 1343 Action Line.
- Latest