^

Probinsiya

Sekyu ng hotel niratrat habang naka-duty

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang guwardya ng isang hotel makaraang pagbabarilin ng ‘di nakilalang suspek habang naka-duty ang una sa San Francisco, Gen Trias City, kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan at paa ang biktima na kinilalang si Nilo Martinez, civilian guard ng hotel at residente ng Brgy. San ­Francisco, Gen. Trias City, Cavite.

Hindi naman nakilala ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang pamamaril. Nakasuot ito ng green jersey, itim na helmet half face at sakay ng Mio i black na may ­puting mags.

Sa ulat ng pulisya, alas-10:20 ng gabi ng maganap ang insidente kung saan naka duty ang biktima bilang civilian guard ng hotel sa Arnaldo Highway ng nasabing lugar.

Dumating umano ang suspek sakay ng motor at pagbaba nito ay agad nilapitan ang biktima at sunud-sunod na pinagbabaril bago mabilis na tumakas.

Agad namang naitakbo ang biktima sa Gen. Trias Doctors Hospital na ­kasalukuyan pa ring nasa ­maselang kondisyon dahil sa tinamong sugat sa ­pamamaril.

CAVITE

GEN. TRIAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with