^

Probinsiya

427 kalabaw lumahok sa taunang kneeling Carabao festival sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Aabot sa 427 kalabaw ang lumahok sa taunang Kneeling Carabao Festival sa bayan ng Pulilan nitong Mayo 14 na tuwirang pagpapakita na buhay na buhay pa ang tradisyunal na pagsasaka sa makabagong panahon.

Base sa tala ng Municipal Tourism Office ng Pulilan, mas mataas ang bilang ng lumahok ngayon kumpara noong 2024 na may sumamang 277 lamang at 266 noong 2023.

Ang festival ay isang malaking panghatak sa mga turista na lumikha ng trabaho at hanapbuhay para sa publiko.

Nabatid din sa report na ang festival ay upang mahikayat ang mga magsasaka at ang mga maghahayop na paramihin ang kanilang alaga upang mapaunlad ang potensiyal na industriya ng gatas.

Sinasabing ang matandang kaugaliang pagluhod ng mga sinanay na kalabaw sa harapan ng kanilang simbahan ay isang pasasalamat at pagbigay pugay sa patron ng mga magsasaka para magkaroon sila ng masaganang ani.

CARABAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with