2 pulis tinamaan ng kidlat, todas

NAUJAN, Oriental Mindoro, Philippines — Patay ang dalawang miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos tamaan ng kidlat sa parking area ng Regional Mobile Force Battalion Headquarters ng PRO 4B sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro, kamakalawa.
Ayon sa ulat ni PCpl. Fernan Macuha na ipinadala sa FB page,nagsasagawa ng roving ang dalawang biktimang kinilala na sina Patrolman Laudelino Samarita Lomio, 31 at Patrolman Ruzzel Jay Ferrer Fontarum, 30 na nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion Headquarters sa nasabing bayan nang gumuhit ang matatalim na kidlat sa parking area ng mga motorsiklo ng kampo at tinamaan ang mga ito.
Nangyari ang insidente sa pagitan ng 10:30 hanggang 11:30 ng gabi habang kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.
Nadala pa sa Mindoro Medical Center ang mga biktima,subalit kapwa idineklarang dead-on-arrival.
- Latest