Misis binaril ng selosong mister

MANILA, Philippines — Patuloy na nasa kritikal na kalagayan ang isang misis matapos barilin ng seloso nitong mister na Aeta sa Buyasan, San Mariano, Isabela.
Nabatid na nagkaroon nang pagtatalo ang mag-asawa na nauwi sa pamamaril matapos umanong magselos ang mister nito sa dating nobyo ng misis na si Sharon.
Ayon kay Dr. Janette Leandro, duty doctor ng San Mariano Provincial and Medical Hospital kailangang masuri nang mabuti ang tinamong tama ng baril sa kamay ng biktima dahil ito ay tumagos kaya kailangang ipasuri sa isang surgeon.
Ayon kay Sharon na baril ng kaniyang ama ang ginamit ng kanyang asawa sa pamamaril sa kanya matapos na nagselos ito sa dati niyang kasintahan na nauwi sa mainit nilang pagtatalo na nauwi sa pamamaril.
Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang suspek na tumakas matapos na barilin ang misis.
- Latest