Limang gobernador sa Mimaropa, naiproklama na
MANILA, Philippines — Limang nahalal na gobernador ng rehiyon ng Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan) kasama ang panibagong dalawang babae ang naiproklama matapos silang manalo noong Mayo 12 na halalan.
Si Humerlito ‘Bonz’ Atienza Dolor, kasalukuyang gobernador ng Oriental Mindoro ay muling nahalal at nakakuha ng 235,935 boto at si Eduardo Gadiano, na nagsilbing Gobernador ng Occidental Mindoro mula noong 2019 ay muling nagwagi at nakakuha ng 200,673 boto.
Ang negosyanteng si Melecio ‘Mel’ Go, (PDP-Laban) na dating board member ng Marinduque,Trina Firmalo-Fabic, dating tatlong termino ng Odiongan Municipal mayor at Amy Alvarez, dating alkalde ng San Vicente, Palawan ay kabilang sa mga bagong halal na gobernador na naiproklama ng kani-kanilang provincial board of canvassers.
Si Firmalo-Fabic, na anak nina dating Romblon Governor Eduardo ‘Lolong” at Dra.Leonny Firmalo, ay nakakuha ng 93,425 na boto laban sa kanyang kalaban na si Otic Riano na may 76,541 na boto.
Sina Firmalo-Fabic at Alvarez ang unang babaeng gobernador sa kasaysayan ng Romblon at Palawan, Habang nakakuha naman si Go ng 66,115 na boto laban sa kilalang politiko at dating speaker na si Lord Allan Velasco.
- Latest