Sekyu at cashier ng E-Bingo, sinaksak ng kustomer
MANILA, Philippines — Isang sekyu at cashier ng E-Bingo ang nasa kritikal na kalagayan sa ospital matapos na saksakin ng kanilang regular customer na nagnakaw ng pera,naganap sa Brgy. Zone 4 Dasmariñas City,Cavite.
Kinilala ang mga biktima na sina John Raymond Marzan, 43, residente ng Brgy. Sta. Fe at Merriem Baluang, nasa hustong gulang ng Brgy. Paliparan 3 ng nasabing ding lungsod.
Kinilala ang suspek na si alyas ‘Neil’, 35, residente ng Bautista St.,Brgy. Zone 4,Dasmariñas City.
Sa ulat,alas-5:19 ng madaling araw ng dumating ang suspek sa E- Bingo Station at agad na inundayan ng saksak ang duty guard na si Marzan na bumulagta ang nalaglag ang baril na agad kinuha ng suspek.
Dumiretso ang suspek sa cashier booth at agad na binaril si Baluang at pagkatapos ay tinangay ang mga pera bago mabilis na tumakas.
Nabatid na regular customer ang suspek sa nasabing bingo shop at malaki na umano ang perang nawawaldas nito sa pagsusugal dito .
Kasong robbery with frustrated homicide ang kinakaharap ng suspek.
- Latest