^

Probinsiya

Puno nabuwal: 2 bata patay, 1 sugatan

Joy Cantos, John Unson - Pilipino Star Ngayon
Puno nabuwal: 2 bata patay, 1 sugatan
Makikita ang isang punong nabuwal na dumagan sa tatlong bata na naglalaro na ikinasawi ng dalawa sa kanila naganap noong Martes ng hapon sa Doña Salud, KM 10, Sasa, Davao City.
John Unson

MANILA, Philippines — Dalawang bata ang nasawi habang isa pa ang nasugatan makaraang madaganan ng nabuwal na punong kahoy habang naglalaro sa Davao City nitong Martes ng hapon.

Sa report ng Sasa Police Station, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Marcus, 7-anyos, at Paul John, 10-anyos.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang nasugatang biktima na si Paula, 10-anyos.

Batay sa imbestigasyon, naitala ang insidente, alas-2:00 ng hapon sa Doña Salud, KM 10, Sasa,Davao City.

Ayon sa pulisya ang tatlong bata ay naglalaro sa isang abandonadong bahay sa lugar nang mabuwal ang isang matandang punong kahoy at madaganan ang mga bata.

Agad namang isinugod ng kanilang mga pamilya katuwang ang sumaklolo nilang mga kapitbahay ang mga biktima sa pagamutan para malapatan ng lunas pero nabigo ng maisalba ang dalawa sa mga ito.

Umapela naman ang mga residente dito sa lokal na pamahalan na magsagawa ng pag-
iinspeksiyon at clearing operations sa mga matatanda at mabubuwal ng punong kahoy upang maiwasan ang kahalintulad na trahedya.

DAVAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with