^

Probinsiya

Obrero dinedo ng lolo na napikon sa biro

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CALAUAG, Quezon, Philippines — Hindi na umabot pang buhay sa ospital ang isang obrero habang malubhang nasugatan ang isa pa makaraang pagtatagain ng isang senior citizen na nag-amok dahil sa biruan kamakalawa ng umaga sa Barangay Binutas sa bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na nagtamo ng malaking sugat sa dibdib na si “Edwin”, 27, may live-in partner habang ginagamot ngayon sa Magsaysay District Hospital sanhi ng sugat sa kanang balikat si “Jermie”, 55, kapwa mga residente sa nasabing barangay.

Tumakas naman ang suspek na nakilalang si “Carl”, 70, magsasaka ng Barangay Kalibo.

Ayon sa imbestigasyon ni PCpl. Alexander Taburdan, bandang alas-6:30 ng umaga ay nakitang nagbibiruan ang suspek at si Jermie hanggang sa napikon ang una na humantong sa pag-aamok sa pamamagitan ng hawak nitong gulok.

Bahagyang nakatakbo ang mga biktima, subalit inabutan sila ng suspek at doon na pinagtataga.

Matapos isagawa ang krimen ay mabilis na tumakas ang suspek bitbit ang gulok at ngayon ay tugis na ng pulisya.

SENIOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with