^

Probinsiya

1,495 medical emergencies sa Lanao election sites, natugunan

John Unson - Pilipino Star Ngayon
1,495 medical emergencies sa Lanao election sites, natugunan
Ang isa sa mga botante na agad nabigyan ng serbisyong medikal ng mga kawani ng Integrated Provincial Health Office sa Lanao del Sur sa araw ng Halalan kamakalawa.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Abot sa 1,495 na mga botante sa iba’t-ibang bayan sa Lanao del Sur na biglang sumama ang pakiramdam, inatake ng alta-presyon, hinimatay dahil sa sakit sa puso, naaksidente habang patungo sa mga polling centers nitong Lunes ang maagap na na­bigyan ng medical support ng mga kawani ng Integrated Provincial Health Office sa probinsya.

Ito ay ayon sa mga pinagsamang mga ulat nitong Martes ng tanggapan ng manggagamot na si Allen Minalang, chief ng IPHO-Lanao del Sur, ng Ministry of Health Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region. 

Sa buong BARMM, ang Lanao del Sur ang may pinakamaraming mga rehistradong botante na naninirahan sa 39 na mga bayan at mahigit 90 na mga barangay sa Marawi City, ang kabisera ng probinsya.

Apat na botante ang biglang nasawi sanhi ng matagal ng mga karam­daman habang nasa mga polling centers at may dalawa pang magkasamang nasawi sa ambush habang patu­ngo sa isang paaralan sa Bayang, Lanao del Sur upang bumoto. Silang lahat ay nabigyan ng agarang atensyon ng mga emergency responders ngunit hindi na naisalba ang kanilang mga buhay.

Pinasalamatan kahapon ni Police Brig. Gen. Romeo Juan Macapaz, director ng PRO-BAR, at ng health minister ng BARMM, ang physician-ophthalmologist na si Kadil Sinolinding Jr., ang mga opisyal ng IPHO-Lanao del Sur sa pagkakaorganisa nila ng rapid emergency response teams na tumutok sa mga polling centers sa probinsya nitong Lunes, araw ng halalan.  

ELECTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with