^

Probinsiya

2 nag-igib ng tubig sa poso niratrat: 1 todas!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 nag-igib ng tubig sa poso niratrat: 1 todas!
Stock image of a gun.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

CAVITE, Philippines — Patay ang isang construction worker habang kritikal ang isa pa makaraang pagbabarilin ng isang residenteng sumita sa mga ito ng mag-igib ng tubig ang mga biktima sa water pump sa Brgy. San Rafael 4. Noveleta, Cavite.

Dead-on-the-spot ang isang biktima na kinilalang si John Filipinas, 41-anyos, residente ng Cavite City habang inoobserbahan sa pagamutan ang kasamahan nito na si Crispin Delos Santos, 35 , residente rin sa nasabi ring lugar.

Tumakas naman ang suspek na kinilala lang sa alyas na “Tomasito”, ng Brgy. San Rafael 3, Noveleta, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-10:50 ng gabi habang nag-iigib ng tubig ang mga biktima sa water pump sa nasabing lugar nang sila ay sitahin ng suspek.

Pinagbawalan ang dalawa na kumuha ng tubig sa nasabing poso sanhi ng kanilang sagutan at mainitang pagtatalo.

Bunsod nito, bumalik na lang sa kanilang barraks ang mga biktima subalit sinundan silang suspek at sunud-sunod na pinagbabaril.

Matapos ay mabilis na tumakas ang suspek tangay ang ginamit na armas na pinaghahanap pa rin ng pulisya.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with