^

Probinsiya

Pamamaril sa canvassing: 1 utas, 1 sugatan!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pamamaril sa canvassing: 1 utas, 1 sugatan!
Sa ulat ng Bohol Police, kinilala ang nasawi na si Daniel Carnece ng Brgy. Los Angeles, Ubay, Bohol; agad binawian ng buhay sa tinamong mga tama ng bala sa tiyan, ulo at dibdib.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay ang isang residente habang isa pa ang sugatan sa pamamaril sa labas ng canvassing area habang naghihintay ang mga tao ng resulta ng botohan nitong Lunes ng gabi sa bayan ng Tubigon, Bohol.

Sa ulat ng Bohol Police, kinilala ang nasawi na si Daniel Carnece ng Brgy. Los Angeles, Ubay, Bohol; agad binawian ng buhay sa tinamong mga tama ng bala sa tiyan, ulo at dibdib.

Patuloy na nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang 42-anyos na sugatang biktima.

Bandang alas-8:30 ng gabi habang ang mga biktima kasama ang iba pang mga tao ay naghihintay ng resulta ng botohan sa Brgy. Guiwanon, Tubigon ng bigla na lang pagbabarilin ng isang lalaking may nakatagong baril sa baywang.

Matapos ang pamamaril sa target na si Carnece ay mabilis na tumakas ang suspect.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon sa kasong ito ang pulisya habang ipinag-utos na rin ni P/Col. Arnel Banzon, director ng Bohol Provincial Police Office (PPO) ang pagtugis sa suspect.

Pinaniniwalaan namang isang malalim na alitan sa pagitan ng biktima at ng suspect ang motibo ng pamamaril.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with