^

Probinsiya

Magsasaka dedo sa sagasa ng suspek!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

Habulan ng pulis at drug lord

CAVITE, Philippines —  Mistulang eksena sa pelikula ang naganap na habulan sa pagitan ng mga pulis at hinihinalang drug lord makaraang madamay ang isang nagpapahi­ngang magsasaka nang masagasaan ng suspek na kanyang ikinamatay, kamakalawa ng hapon sa Brgy. Ilog, Taal, Batangas.

Nasamsam sa loob ng sasakyan ng nakatakas na suspek na si alyas “Mark”, ang may nasa P578,000 na halaga ng shabu, mga baril, bala at drug paraphernalia.

Sa ulat ng Taal Police, alas-2:30 ng hapon kasalukuyan silang nagsasagawa ng Oplan Sita sa Brgy. Ilog Taal nang maharang nila sa checkpoint ang sasakyan ng suspek na pulang Mazda 3 na may plate number ZCG 629.

Habang kinakausap ng mga pulis ang driver (suspek), napansin nila ang isang baril sa ka­tabing upuan nito, kaya dito na agad pinaharurot ng suspek ang kanyang sasakyan. Sa pagmamadali, muntik pa nitong masagasaan ang dalawang pulis.

Dito na nagkaroon ng habulan hanggang sa mabangga ng suspek ang dalawang  sasakyan sa Provincial Road ng Brgy. Muzon, subalit patuloy pa rin sa pagharurot.

Nakorner ang suspek at sa halip na sumuko ay muling pinaharurot nito ang sasak­yan sa isang tubuhan kung saan nagpapahinga ang biktimang si Manuel Gamo, isang magsasaka na nasagasaan nito at namatay.

Hindi pa rin tumigil ang suspek hanggang sa inabandona na niya ang kaniyang sasakyan sa isang lugar at tulu­yang tumakas.

Narekober ng pulisya sa sasakyan ng suspek ang illegal na droga, iba’t ibang armas at mga bala.

Patuloy ang hot pursuit operation ng pulisya laban sa suspek.

BARIL

TAAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with