Rally vs vote-buying nauwi sa pagpapasabog sa Laguna
CAVITE, Philippines — Naging magulo ang isinagawang rally sa harapan ng kapitolyo ng Laguna laban sa diumano’y bentahan ng mga boto matapos na mauwi ito sa pagpapasabog kahapon.
Sa ulat ng pulisya, nagpasabog ng Smoke Bomb bago nagsitakbuhan ang nasa 50 na raliyista na nagprotesta dahil sa vote-buying sa harapan ng Laguna Provincial Capitol Extension dakong alas-7 ng umaga.
Sa kasagsagan ng rally, paulit-ulit na isinisigaw ang salitang “Itigil ang Bentahan ng Boto sa Laguna”.
Sa pagresponde ng pulisya, upang maayos na patigilin ang mga nagra-rally, ilan sa kanila ang bigla na lang naghagis ng improvised smoke grenades/bomb bago nagsipulasan patakas.
Nang mapawi ang mga usok, wala nang nakita ang mga pulis na protesters sa lugar habang apat na piraso ng smoke bomb ang narekober at mga signage na nakalagay ng “Sponsored by Solid Lagunense”.
- Latest