^

Probinsiya

Pahinante basag ang ulo sa gulong ng truck

Jorge Halliare - Pilipino Star Ngayon
Pahinante basag ang ulo sa gulong ng truck
Basag ang ulo at agad nasawi ang biktima na kinilalang si Dindo, truck helper, residente ng Brgy.Dapdap habang sugatan at isinugod din ang driver na si Nonoy, 32-anyos, residente ng Brgy. Mabuhay, kapwa ng bayan ng Bulusan, Sorsogon.
File

DARAGA, Albay, Philippines — Dead-on-the spot ang isang pahinante matapos na tumalon sa kanilang dump truck na nawalan ng preno at nagulungan ang ulo sa Purok-1, Brgy. Bañadero sa bayan ng Daraga, Albay kamakalawa ng hapon.

Basag ang ulo at agad nasawi ang biktima na kinilalang si Dindo, truck helper, residente ng Brgy.Dapdap habang sugatan at isinugod din ang driver na si Nonoy, 32-anyos, residente ng Brgy. Mabuhay, kapwa ng bayan ng Bulusan, Sorsogon.

Sa ulat, alas-2:50 ng hapon galing ng Mayon Unit at pauwi ng Sorsogon ang mga biktima. Pagdating sa palusong at mabatong bahagi ay nawalan ng preno ang Sino Dump Truck (NDK-5296) na minamaneho ni Nonoy at nawalan ng kontrol. Sa takot ay tumalon si Dindo pero sumuot ang ulo sa gulong ng truck at nagulungan. Tuluyang sumadsad ang truck sa mabatong bahagi ng lugar dahilan para sugatang isinugod naman ang driver sa Bicol Regional Hospital and Medical Center sa Legazpi City.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with