^

Probinsiya

2 Chinese pumalag sa checkpoint, nanagasa ng pulis!

Joy Cantos, Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 Chinese pumalag sa checkpoint, nanagasa ng pulis!
Nasukol ang mga suspek na sina alyas  “Huang”, 27, ng Lions Tower, Taft Avenue, Pasay City at alyas “Zhao”, 28, ng Marina Seaview Residences Project, Brgy. Tambo, Parañaque City; kapwa may Chinese passport.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

Habulan mala-pelikula, gulong binaril

CAVITE, Philippines — Tila isang eksena sa pelikula ang naganap na habulan sa pagitan ng dalawang Chinese national na sakay ng pickup truck at mga awtoridad nang kanilang takasan ang isang Comelec-PNP checkpoint at nanagasa pa ng pulis kamakalawa sa Daang Hari Intersection, Bacoor City.

Nasukol ang mga suspek na sina alyas  “Huang”, 27, ng Lions Tower, Taft Avenue, Pasay City at alyas “Zhao”, 28, ng Marina Seaview Residences Project, Brgy. Tambo, Parañaque City; kapwa may Chinese passport.

Ang dalawang Tsino ay nahulihan ng baril at mga bala sa loob ng kanilang sasakyan makaraang nakipagpatin­tero sa mga awtoridad na unang sinita dahil sa paggamit ng improvised plate number sa Bacoor City nitong Linggo ng madaling araw.

Kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code at RA 10591 in relation to COMELEC Resolution No 11067 sa ilalim ng RA 261 (q) ng Omnibus Election Code.

Nag-ugat ang pagkakaaresto sa mga suspek dahil sa operasyon ng ‘Oplan Sita’ na inilatag ng pulisya sa Daang Hari Intersection kung saan pinara ang isang kulay violet na RAM pickup truck na may plakang SKY 6666 dahil sa paggamit ng improvised plate number. Pero imbes na tumigil ang sasakyan, pinasibat papatakas ng driver kaya humingi na ng responde ang mga pulis na nagmamando ng checkpoint mula sa Dasmariñas City Police Station kaya nagkaroon ng habulan.

Namataan ang pickup truck sa NOMO Road hanggang sa nasundan ito sa Bacoor Boulevard sa Brgy. Bayanan, ng nasabing lungsod pero tinangka pa rin ng mga sakay na tumakas dahilan upang masagasaan ang isang pulis. Bunsod nito, pinaputukan na ng pulis ang gulong ng sasakyan ng mga suspek sanhi upang sila ay masukol sa lugar.

Narekober sa loob ng sasakyan ang isang Bersa Thunder 380 na may SN 912071; Bersa Thunder 380 magazine; 4 na bala ng  Bersa Thunder 380; tatlong kahong bala ng 5.56 mm  (60 rounds);  45 bala ng  9mm;  2 riffle scopes; 2 plate numbers  na “SKY 999”; isang pang plaka na “MOG815”; isang kulay itim na  Gucci wallet na naglalaman ng mga IDs at visa card na nakapangalan kay Zhang, Peng Cheng, isang Lexus key card na nakapangalan naman kay Adrian John G. Dy; apat na iPhone at isang Samsung cellphone.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with