Lalaking ‘wanted’ huli habang kumukuha ng police clearance
CAVITE, Philippines — Arestado ang isang lalaking kumukuha ng Police Clearance na gagamitin sana nito sa pag-aaplay ng trabaho makaraang ma-detect ang mga pending Warrant nito sa pulisya kamakalawa ng hapon sa Brgy. Gregorio Trece Martirez City Cavite.
Kasong paglabag sa Sec 13 at 14 RA 9165 ang lumabas sa record ng suspek na si alyas “Sandy”, nasa hustong gulang, residente ng nasabing lugar at may arrest warrant sanhi upang siya ay dakpin.
Sa ulat ng pulisya, alas-2 ng hapon nang magtungo ang suspek sa Trece Martires City Police Station upang kumuha ng police clearance na requirements nito sa inaaplayang trabaho.
Nang nakasalang na sa computer clearance ang suspek, dito na agad lumabas ang pangalan nito na kasama sa mga wanted person at may nakabinbing warrant of arrest para sa mga kasong droga. Hindi na nakauwi ang suspek at diretso na siya sa kulungan. May nakalaan namang piyansa sa mga kasong kinakaharap ng suspek.
- Latest