^

Probinsiya

Lalaki sa car wash, tepok sa kuryente

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines —  Patay ang isang lalaki matapos makuryente habanggumagawa ng water hose sa isang car wash shop, kamakalawa ng hapon sa Brgy Langkaan 2 Dasmariñas City.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Argie Bonifacio, nasa hustong gulang, residente ng Dasmariñas City, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, alas-4:27 ng hapon, habang nag-aayos ang biktima ng water hose sa General Carwash Shop nang mapahawak siya sa open live wire dahilan upang makuryente.

Ayon sa nakasaksi, nakarinig pa umano siya ng malakas na sigaw at nakita ang biktima na nangingisay na.

Agad naman uma­nong naibaba ang main switch ng kuryente at itinakbo sa pagamutan ang biktima subalit hindi na naisalba pa ang kanyang buhay ng mga sumuring doktor.

ARGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with