Wanted sa ‘rape’ at iba pa, arestado

COTABATO CITY, Philippines — Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaking taga-Ipil, Zamboanga Sibugay na matagal nang wanted sa mga kasong panggagahasa, malakihang pagbebenta ng shabu, illegal possession of firearms at pagkanlong ng mga kapwa niyang may mga pananagutan sa batas.
Kinumpirma nitong Martes ng mga opisyal ng Police Regional Office-9 at Zamboanga Sibugay Provincial Police Office ang pagkakaaresto sa suspect ng mga pulis sa Purok Saging sa Barangay Tenan sa Ipil, Zamboanga Sibugay.
Ang suspect ay may kinakaharap na mga kasong rape, malakihang pagbebenta ng shabu at iba pang mga asuntong nakabinbin sa iba’t ibang mga korte, ayon sa mga local executives sa Zamboanga Sibugay.
Sa ulat ni Police Brig. Gen Roel Rodolfo, director ng PRO-9 natunton ng kanilang mga operatiba sa Barangay Tenan ang suspect sa tulong ng mga local officials sa Ipil, ang kabisera ng Zamboanga Sibugay.
- Latest