^

Probinsiya

Top 1 ‘most wanted’ sa Cavite huli sa Quezon City

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Top 1 ‘most wanted’ sa Cavite huli sa Quezon City
Kinilala ni PMaj. Rommel Dimaala, hepe ng Indang Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Pepito”, 40 taong gulang, at residente ng Barangay Culiat, Quezon City.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, File

CAVITE, Philippines — Nalambat ng pulisya ang Most Wanted Person (Provincial Level Rank #1) ng Cavite sa isinagawang warrant operation kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Kinilala ni PMaj. Rommel Dimaala, hepe ng Indang Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Pepito”, 40 taong gulang, at residente ng Barangay Culiat, Quezon City.

Sa ulat mula kay Cavite Police Provincial Office director Police Col. Dwight Alegre, nagsagawa ng operasyon ang Indang Police (Lead Unit) at ng Ca­vite Maritime Police laban sa suspek na natunton at nadakip sa Barangay Culiat, Quezon City.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong murder sa ilalim ng Criminal Case No. NC-2158 na inisyu ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 15, Naic, Cavite noong Agosto 10, 2023 at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.

“Ang pagkakadakip sa suspek ay isang malaking hakbang sa ating kampanya laban sa kriminalidad. Muli nating pinapatunayan na ang katarungan ay hindi natutulog at walang sinumang makatatakas sa kamay ng batas. Patuloy tayong magsusulong ng kapayapaan at kaayusan para sa isang mas ligtas at mas maunlad na Cavite. Sama-sama na­ting itaguyod ang isang komunidad na ligtas para sa lahat,” pahayag ni Col. Alegre.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with