^

Probinsiya

Pamamaril sa resort: 1 todas, 2 bebot sugatan

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Pamamaril sa resort: 1 todas, 2 bebot sugatan
Stock image of a gun.
Image by Rudy and Peter Skitterians from Pixabay

GUBAT, Sorsogon, Philippines — Bulagta ang isang lalaki habang dalawa pang babae ang sugatan kabilang ang isang menor-de-edad matapos na mamaril ang suspek na nakaaway ng una sa loob ng Rizal Beach Resort na maraming taong nagsu-swimming sa Brgy. Rizal, Gubat, Sorsogon kamakalawa ng hapon.

Napuruhan ng punglo sa katawan at agad nasawi ang biktima na kinilalang si alyas “Gerald”, 34-anyos, habang nilalapatan na ng lunas sa pagamutan ang dalawang babae na nadamay na kinilalang sina alyas “Shiela”, 40-anyos at “Eula”, 14-anyos.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-5 ng hapon sa loob ng naturang beach resort nang magtalo sa hindi malamang dahilan ang hindi ­nakilalang gunman at ang biktimang si Gerald.

Paalis na sana ang suspek nang sundan ng biktima at sa gitna ng mainit na pagtatalo ay bumunot ng hindi malamang kalibre ng baril mula sa kanyang sling bag ang suspek at sunud-sunod na pinutukan si Gerald na duguang bumulagta. 

Tinamaan naman ng ligaw na bala ang dalawang babae. 

Patuloy na tinutugis ng Gubat Police ang suspek. 

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with