^

Probinsiya

Bulkang Bulusan pumutok, Alert Level itinaas

Angie dela Cruz, Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Bulkang Bulusan pumutok, Alert Level itinaas
Ito ay makaraang magkaroon ng 24-minutong phreatic eruption o pagputok sa summit crater ng bulkan ng alas-4:36 ng umaga nitong Lunes.
Philippine Earthquake and Volcano Update/Facebook page

MANILA, Philippines — Itinaas na sa Alert Level 1 ng Philippine ­Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang status ng Bulkang Bulusan sa Bicol, kahapon. 

Ito ay makaraang magkaroon ng 24-minutong phreatic eruption o pagputok sa summit crater ng bulkan ng alas-4:36 ng umaga nitong Lunes.

Ayon sa Phivolcs, umaabot sa 4,500 metro mula sa crater ang bent plume ng bulkan.

May naiulat din na ashfall sa mga barangay ng Cogon at Bolos sa Irosin at Barangays Puting Sapa, Guruyan, Buraburan, at Tulatula Sur sa bayan ng Juban sa lalawigan ng Sorsogon.

Nagtala rin ang bulkan ng tatlong kilometrong pyroclastic density currents (PDCs) at may narinig na rumbling sounds ang local government officials at umabot ng 15 minuto bago pumutok ang bulkan.

“Prior to the eruption, a total of 53 volcanic earthquakes were recorded over the 24-hour period yesterday,” pahayag ng Phivolcs.

Sa ilalim ng Alert Level 1, nasa low-level unrest ang bulkan at may tsansa na magkaroon ng ­phreatic eruptions.

Bunsod nito, ipinagbabawal ng Phivolcs ang paglapit ng mga residente sa 4-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) para makaiwas na maapektuhan ng pagsabog ng bulkan, ashfall at iba pa. Bawal ding magpalipad ng anumang uri ng aircraft  sa tuktok ng bulkan.

Samantala, handa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na respondehan ang mga Bicolanos na maaapektuhan ng patuloy na pag-aalboroto ng Bulusan volcano.

Ayon sa DSWD, mayroon na silang nakaantabay na higit 180,000 family food packs (FFPs) na naka-prepositioned sa DSWD Field Office 5-Bicol Region para tumugon sa mga nangangailangan sa Bicol na maaapektuhan ng bulkan.

Mahigit  25,000 boxes ng FFPs din ang nakahanda sa Sorsogon province para maipamahagi sa mga maaapektuhang residente doon.

Ayon kay Assistant Secretary Irene Dumlao ng DSWD’s Disaster Response Management Group (DRMG), agad inatasan si DSWD Bicol Regional Director Norman Laurio para alertuhin ang lahat ng disaster teams na maghanda at patuloy na subaybayan ang sitwasyon sa Bicol gayundin ay makipag- ugnayan sa concerned local government units (LGUs) para sa probisyon ng tulong sa kanilang mga constituents.

PHIVOLCS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with