Mag-asawa todas sa ambush sa Rizal

MANILA, Philippines — Isang mag-asawa ang patay nang tambangan ng ‘di pa kilalang mga salarin habang magkaangkas na lulan ng kanilang motorsiklo sa Teresa, Rizal kamakalawa.
Kapwa dead-on-the-spot ang mga biktimang sina alyas ‘Roger’ at ‘Mercy’ bunsod ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nakatakas naman at tugis na ng mga awtoridad ang mga ‘di kilalang salarin sa krimen.
Sa ulat ng Teresa Municipal Police, dakong alas-8:40 ng umaga nang maganap ang krimen sa Roman Roxas Road, Brgy. May Iba, sa Teresa.
Lulan ng motorsiklo ang mga biktima at binabagtas ang naturang lugar patungong bayan ng Teresa, at nang pagsapit sa Roman Roxas Road sa Brgy. May Iba ay bigla na lang silang pagbabarilin ng mga nakaabang na suspek.
Nang matiyak na napuruhan ang mga biktima, mabilis na nagsitakas ang mga suspek.
- Latest