Mayor, VM sa Pangasinan kinasuhan
MANILA, Philippines — Nahaharap sa patung-patong na kaso sa tanggapan ng Office of the Ombudsman sina Mangatarem, Pangasinan Mayor Ramil Ventenilla, Vice Mayor Michael Mon Rosette Punzal at Municipal accountant Kenaz Bautista matapos ireklamo ng isang Ricardo Bachar Luciano, Jr. na taxpayer ng kanilang munisipyo.
Kabilang sa kasong isinampa laban sa tatlo ay ang “malversation of public funds” sa pamamagitan ng misappropriation with consent at kapabayaan, technical malversation, paglabag sa local government code at mga may kaugnayan sa tax rules, paglabag sa government accounting manual code ng Pilipinas, paglabag sa procurement law at paglabag sa code of ethical conduct of the public officers.
Batay sa reklamo at mga ebidensyang isinumite ni Luciano sa Ombudsman, nabigo ang mga respondents na pansinin ang rekomendasyon ng Commission on Audit sa loob ng 2020 hanggang 2023 na papanagutin ang taong nabigong ideposito ang kaban ng bayan sa bangko at lustayin ito ng ganun-ganoon na lamang.
Tinukoy pa ni Luciano na maging ang program of work para sa konstruksyon ng General Services Office (GSO) building at warehouse na mayroong kontratang P1,998,030. 87 ay hindi man lamang napapakibangan at nagagamit sa loob ng mahigit isang taon na.
Lumalabas din sa hawak na dokumento ni Luciano na umaabot sa kulang-kulang P19-milyon ang several disallowances at audit suspensions ng hindi pa rin umano maipaliwanag mula 2020 hanggang 2023.
- Latest