^

Probinsiya

2 nagdya-jogging sinuwag ng wagon, 1 patay!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
2 nagdya-jogging sinuwag ng wagon, 1 patay!
Map of Camarines Sur.
Wikepedia

NAGA CITY, Albay, Philippines —  Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang negosyanteng nagdya-jogging habang sugatan ang isa pa matapos silang magkasunod na suwagin ng wagon car sa kahabaan ng Magsaysay Avenue, Brgy. Concepcion Grande, Naga City, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Dead-on-arrival sa Bicol Medical Center dahil sa tinamong mga sugat at bali sa katawan ang biktimang si alyas “Lino”, may-asawa at residente ng Zone-2, Concepcion Pequeña, ng nasabing lungsod.

Patuloy na nilalapatan ng lunas ang sugatan na si alyas “Vina”, 32-anyos, dalaga, residente ng Brgy. Calauag ng naturang lunsod.

Sa ulat, dakong alas-5:40 ng umaga, magkahiwalay na nagdya-jogging ang mga biktima sa kahabaan ng naturang kalsada nang aksidenteng unang nabangga ng Suzuki Ertiga Wa­gon na minamaneho ni Gwyneth, 22-anyos, estudyante, residente ng Brgy. Baliuag Viejo, Minalabac ang biktimang si Lino.

Dahil sa pagkakabangga, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver dahilan para su­mampa ito sa shoulder ng kalsada at bumangga naman sa isa pang jogger na si Vina.

Kapwa sugatang isinugod sa pagamutan ang mga biktima pero hindi na umabot nang buhay si Lino.

Hawak na ng Naga City Police Office ang driver ng wagon.

NAGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with