^

Probinsiya

Grade 3 pupil nakuryente sa bakod, tepok

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Grade 3 pupil nakuryente sa bakod, tepok
Sa ulat ng General Santos City Police Office, nasagi ng biktimang si Prince Dalintang Ancot, isang grade school pupil, ang kuryenteng nasa bakod sa gilid ng isang kalye na kanyang tangkang akyatin sana kaya ito nangisay at nawalan ng ulirat.
STAR/ File

Naghanap ng bote, bakal

COTABATO CITY, Philippines —  Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 9-anyos na batang mag-aaral nang makuryente habang nag­hahanap ng mga bote at bakal nitong tanghali ng Huwebes sa Purok Christian Village sa Barangay Calumpang sa General Santos City.

Sa ulat ng General Santos City Police Office, nasagi ng biktimang si Prince Dalintang Ancot, isang grade school pupil, ang kuryenteng nasa bakod sa gilid ng isang kalye na kanyang tangkang akyatin sana kaya ito nangisay at nawalan ng ulirat.

Sa inisyal na ulat ng mga barangay officials, maghahanap daw sana ang bata ng mga bote at bakal sa loob ng bakuran na tinangka niyang pa­sukin na naging sanhi ng kanyang pagkakuryente at pagkamatay.

Naisugod pa ng mga emergency responders ang totoy sa isang hospital, ngunit hindi na nai­salba ng mga manggagamot.

Maaari diumanong managot ang may-ari ng bakuran na may ikinabit na kawad ng kuryente sa bakod na sanhi ng aksidenteng ikinamatay ng Grade 3 pupil na si Ancot.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with