^

Probinsiya

3 paslit patay sa sunog sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong pas­lit matapos aksidenteng masunog ang kanilang bahay dahil umano sa kandila sa bayan ng Calumpit.

Sa report, nasa pagitan ng 1 taon gulang ang babae habang nasa 5 at 7 taong gulang ang kanyang mga kapatid na lalaking biktima at kapwa residente ng Brgy. Gatbuca.

Ayon sa report, naganap ang insidente bandang alas-11:00 ng gabi sa nasabing lugar.

Base sa impormas­yon, posibleng kandila ang naging mitsa ng sunog na tumusta sa mga biktima dahil wala umanong kuryente ng mga oras na iyon.

Sinasabing umalis ang kanilang magulang para makipaglamay sa patay sa kabilang barangay at iniwan ang magkakapatid na walang kamuwang-muwang nang lamunin ng apoy.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pinagmulan ng sunog.

BULACAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with