Vice Mayoralty candidate sa Cavite na may kasong pamemeke, sumuko
MANILA, Philippines — Kusang loob na sumuko sa pulisya at diretso piyansa ang dating Mayor at ngayon ay tumatakbong Vice Mayor sa bayan ng Tanza.
Matapos malabasan ng Warrant of Arrest para sa kasong Falsification of Public Documents, personal ng sumuko sa pulisya si Raymundo Munding Arca Del Rosario, dating Mayor ng Tanza Cavite at kasalukuyang tumatakbo bilang Vice Mayor dito.
Sa inilabas na warrant of arrest ng Municipal Trial Court ng Tanza noong Abril 07, 2025, nakasaad dito ang kasong paglabag ni Del Rosario dahil sa pamemeke ng dokumento o kasong Falsification of Public Documents.
Pinayagan naman ng korte na magpiyansa si Del Rosario sa halagang P36,000. Ang pamemeke ng dokumento ay labag sa saligang batas at maaaring makulong ang mga taong gumagawa nito.
- Latest