2 estudyante niratrat sa coffee shop, todas!

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Patay ang dalawang estudyante matapos pagbabarilin ng gunman sa loob ng coffee shop sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM).
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Rey Allen Nevado De Jose, 20, college student, residente ng Brgy. Muzon East at Jeric Castillo, 20, isa ring estudyante ng Brgy. San Isidro, SJDM.
Sa report ng SJDM police station, naganap ang insidente bandang ala-1:00 ng tanghali nitong Abril 21, sa isang coffee shop sa Brgy. Paradise 3, SJDM City.
Ayon sa report, bumulaga sa lugar ang gunman na nakasuot ng jacket na itim, maong short at tsinelas na walang kaabog-abog na pinagbabaril ang mga biktimang nakaupo sa coffee shop.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Rey Allen habang naisugod sa ospital si Jeric para sa paunang lunas subalit binawian din ng buhay kalaunan.
Nang makarating sa pulisya ang nangyari ay agad rumesponde sa lugar na mabilis nangalap ng CCTV footage sa lugar, nagsagawa ng follow up investigation at dragnet operation para mahuli ang suspek na isang alyas Randy.
Kaugnay nito, sa Facebook post na nag-viral, nahagip sa CCTV ang pag-alis ng suspek sa lugar lulan ng motorsiklo angkas ang kanyang sinasabing may bahay at umano’y anak na binatilyo ilang segundo matapos ang mga putok ng baril sa kapehan.
- Latest