^

Probinsiya

May-ari ng bakery, 6 trabahador minasaker!

Ed Amoroso, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Kasosyo sa negosyo, arestado!

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit ng isang lalaking negosyante at anim na trabahador nito matapos silang pasukin at imasaker sa loob ng kanilang panaderya ng kanyang business partner sa Antipolo City, Rizal, kahapon umaga.

Kinilala ni Col. Felipe Maraggun, Rizal police director, ang isa sa pitong nasawi na si alyas “Joan”, lalaking may-ari ng ba­kery, habang inaalam pa ang mga pangalan ng anim niyang manggagawa.

Nangyari ang masaker sa J&B Malunggay Bakery sa Barangay Cupang, bandang alas-6 ng umaga nitong Martes ngunit ang insidente ay iniulat ng mga tanod ng barangay sa pulisya dakong alas-8 ng umaga ng nasabi ring araw.

Nagtamo ng mara­ming saksak sa katawan mga biktima na pawang naliligo sa sariling dugo nang matagpuan sa loob ng bakery.

Lumalabas na pinasok ng suspek na si alyas “Bogart,” business partner ni Joan sa J&B Malunggay Bakery, at halinhinang pinagsasaksak ang mga biktima habang mahimbing na natutulog bandang alas-12 ng hatinggabi.

Nadiskubre ng mga rumespondeng pulis ang mga duguang bangkay ng mga biktima sa loob ng sala ng panaderya at sa mga silid.

Ayon kay Maraggun, sina alyas Joan at Bogart ay magkasosyo sa bakery na umano’y may hindi pagkakaunawaan at away sa kanilang negosyo.

Narekober sa isa sa katawan ng mga biktima ang patalim na ginamit bilang murder weapon ng killer.

Dagdag ni Maraggun, si “Bogart” ay naaresto sa isang hot pursuit operation ng mga nilikhang tracker team operatives sa base police sa Camp Crame, Quezon City sa pagitan ng bandang alas-8:30 hanggang alas-9 ng umaga ng parehong araw.

“Nakatanggap kami ng impormasyon na ang sinasabing killer ay nandoon sa base police, kaya, iniutos ko na agad na magpadala ng isang team para magsagawa ng hot pursuit operation gayundin para i-verify ang katotohanan ng impormasyon,” sabi ni Maraggun sa PSN sa telepono.

Ayon naman sa pahayag ng suspek sa pulisya, narinig umano niyang pinaplano siyang patayin ng kanyang kasosyo sa bakery. Na­rinig umano niyang kinakausap ni Joan ang kanilang mga trabahador para siya’y patayin sa pamamagitan ng pagdagan sa kanyang mukha ng unan habang natutulog. Kaya dito na umano niya inunahang pagpapatayin ang pitong biktima.

RIZAL

ANTIPOLO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with