^

Probinsiya

Boutique owner nanlaban sa ‘rape’, suspek na ‘kustomer’ arestado!

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Boutique owner nanlaban sa ‘rape’, suspek na ‘kustomer’ arestado!
Ang suspek na kinilala lamang sa pangalang Jeffrey, 32, construction worker, ay nadakip sa isang hot pursuit operation sa loob ng katabing stall area habang nagtatago sa loob ng lugar sa kahabaan ng Enriquez street sa Barangay 4, Lucena City, Quezon makalipas ang isang oras, ayon kay Lt. Col. Dennis De Guzman, hepe ng Lucena City police. 
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Arestado ng mga rumespondeng pulis ang isang lalaki na nagtangkang gumahasa sa isang negosyanteng babae at nabigong pagnakawan ang fashion boutique nito sa Lucena City, Quezon, noong Linggo ng gabi.

Ang suspek na kinilala lamang sa pangalang Jeffrey, 32, construction worker, ay nadakip sa isang hot pursuit operation sa loob ng katabing stall area habang nagtatago sa loob ng lugar sa kahabaan ng Enriquez street sa Barangay 4, Lucena City, Quezon makalipas ang isang oras, ayon kay Lt. Col. Dennis De Guzman, hepe ng Lucena City police. 

Aniya, nakatakdang ihain sa City Prosecutor’s Office ang kasong attempted rape at robbery laban sa suspek.

Sinabi ni De Guzman na may intensyon umano ang suspek na halayin ang biktima na itinago sa pangalang “Shiloah” sa loob ng stock room ng boutique. 

Nagpanggap ang suspek bilang isang kustomer upang bumili ng isang pares ng sapatos, gayunpaman, pumili siya ng isa pang pares ng sapatos na naka-display sa dingding ng tindahan upang ilihis ang atensyon ng may-ari ng boutique.  Habang nakatalikod ang may-ari para kunin ang item, biglang niyakap ng suspek na si Jeffrey ang biktima mula sa likod habang may hawak na kutsilyo at nagdeklara ng hold-up.

“The suspect threa­tened boutique owner, saying --‘Wag kang sisigaw, ‘di kita papatayin.”

Sinabi ng biktima sa imbestigator,na tinangka ng suspek na kaladkarin siya papasok sa likod ng silid ng tindahan, ngunit tumanggi siya. Aniya, isang kutsilyo ang nakatutok sa kanya, at sinubukan siyang patahimikin ng suspek at tinakpan ang bibig nito.

Gayunman, nanlaban ang biktima at nagawa nitong agawin ang patalim mula sa suspek, na humantong sa pagpupumiglas at nakontrol sa sagupaan.

Napansin ng suspek ang mga tao sa labas ng tindahan, kung kaya agad siyang lumabas at naglakad sa ibang lugar sa loob ng establisyimento upang magtago.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with