^

Probinsiya

Warden, jail guards sa Bulacan, sisibakin

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

2 preso malayang ‘labas-pasok’ sa piitan

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines —  Namumurong masuspinde ang warden at mga jail guards ng Bulacan Provincial Jail (BPJ) matapos na mabuking na dalawang preso ang malayang naglalabas-pasok sa nasabing piitan na tulad ng isang ordinaryong sibilyan.

Ayon kay Bulacan Governor Daniel Fernando, hinihintay na lamang niya ang clearance mula sa Commission on Election upang suspendihin ang provincial warden at mga jail guards na sangkot matapos na dalawang Person Deprived of Liber­ty (PDL) ang naaresto kamakailan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Bula

can Field Office dahil sa paglabas-pasok sa loob ng BBPJ.

“Kapag po tayo ay pinayagan ng Comelec, immediately ay papa-suspend ko ang mga taong dawit diyan. Hindi po pupwede sa akin ‘yan,” ayon kay Fernando na nadismaya nang mabatid ang pagkakaaresto ng CIDG sa dalawang preso na tinawag nitong labis na nakakabahala at hindi katanggap-tanggap.

Sa ulat ng CIDG, ang dalawang PDL na sangkot ay kinilalang sina Abdua Arajalon, na nahaharap sa kasong murder at nagsisilbing “mayor” sa loob ng BPJ, at isang Mario San Jose na may kasong

homicide at “Chairman ng Barangay 11” sa loob ng nasabing piitan.

“Ang sabi nila, ihahatid lang ni Arajalon ang asawa niya pauwi ng bahay na bumisita sa kanya. Is that even possible? No one visiting a jail needs to be escorted home by the detainee they came to see. Their alibis are unbelievable,” ani ng gobernandor.

Matatandaan na noong April 13 ng hapon, nahuli si Arajalon sa Brgy. Dakila, Malolos City habang malayang nagmamaneho ng pulang Toyota Hilux nang walang anumang utos ng korte o legal na permiso. Nasa loob ng sasakyan ang kanyang asawa, kapwa detenido na si Mario San Jose, at isang jail guard na escort. Lahat sila ay inaresto kabilang sina BPJ Jail Guard Tee-Jay Jimenez at Sarah Wahid, ang pangalawang asawa ni Arajalon.

Narekober sa mga inaresto ang isang kalibre .45 na pistola na may anim na live round, isang 9mm Glock pistol na may 9 na bala, isang magazine sa bawat baril, isang Glock holster, at ang pulang Toyota Hilux.

Si Arajalon, isang da­ting miyembro ng SWAT na nakakulong mula Oktubre 2019, ay naiulat na nakita sa labas ng pasilidad nang maraming beses, na gumagalaw tulad ng isang ordinaryong sibilyan.

BPJ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with