Pizza resto nasunog sa Gapo, katabing establisimyento damay
OLONGAPO CITY, Philippines — Sumiklab ang Isang malaking sunog sa ilang establisimyento sa bahagi ng Magsaysay drive kahapon ng tanghali sa lungsod na ito.
Ayon sa ilang nakasaksi, nagsimula umanong umusok ang itaas na bahagi ng isang Pizza Haus Restaurant hanggang sa unti-unting sumiklab ang apoy.
Mabilis na kumalat ang apoy sa itaas na bahagi nito dahil na rin sa gawa umano sa light materials ang naturang mga gusali.
Makalipas ang ilang oras ay idineklarang fire under control na ng mga tauhan ng BFP Olongapo ang naturang sunog.
Inaalam pa ang sanhi ng sunog at ang kabuuang halaga ng mga napinsalang ari arian sa naganap na sunog.
- Latest