^

Probinsiya

P2.8 milyong imported yosi nasabat sa Zamboanga

John Unson - Pilipino Star Ngayon
P2.8 milyong imported yosi nasabat sa Zamboanga
File photo of cigarettes
Photo by klimkin via Pixabay

COTABATO CITY, Philippines — Nasamsam ng isang seaborne police team ang P2.8 million na halaga ng puslit na imported cigarettes na ihahatid sana ng isang sasakyang pandagat sa isang coastal barangay sa Zamboanga City nitong Linggo.

Sa mga ulat ng mga himpilan ng radyo sa Cotabato City nitong Miyerkules, nasabat ang naturang kontrabando sa karagatang malapit sa Santa Barbara sa Zamboanga City, na ihahatid sana ng tatlong lalaki sa mga negosyante sa lungsod.

Agad na kinumpiska ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Office at Police Regional Office-9 ang 53 na malalaking kahon na may lamang mga sigarilyong gawa sa Indonesia, at nagkakahalaga ng P2.8 million.

Ayon kay Brig. Gen. Roel Rodolfo, director ng PRO-9, naikasa ang naturang anti-smuggling ope­ration sa tulong ng mga impormanteng alam ang nakatakdang pagdating ng naturang mga sigarilyo sa Zamboanga City.

Ayon kay Rodolfo, kanilang ipapakustodiya ang mga nasamsam na na sigarilyo sa Bureau of Customs para sa kaukulang disposisyon.

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with