^

Probinsiya

Pulis-Quezon sumailalim sa sorpresang drug test

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Sumailalim sa sorpresang drug test ang ilang public utility drivers sa magkakaibang lugar sa lalawigan ng Quezon ­kaugnay ng Oplan Harabas: “Ligtas Biyahe, Semana Santa.”

Pinangunahan ni ­Quezon Police Provincial Director PCol. Ruben B. Lacuesta katuwang ang LTO at PDEA ang implementasyon ng drug test bilang pagtiyak na ligtas ang mga bibiyahe at hindi gumagamit ng iligal na droga ang mga drayber.

Paliwanag ng opisyal, mahalaga na matiyak na ligtas ang mga ­motorista ngayong Semana Santa kasabay din ng panawagan nito sa ­drayber ng bawat sasakyan na sumunod sa batas, ma­ging responsable sa pagmamaneho at magbigay kortesiya sa kapwa ­motorista.

Wala namang nagpositibo sa isinagawang drug test sa mga driver.

QUEZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with