^

Probinsiya

10 tsuper nagpositibo sa drug test sa Bicol, mga lisensya kinumpiska ng LTO

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

Legazpi City, Albay, Philippines — Umabot sa 10 drivers sa Bicol ang nagpositibo matapos ang ginawang random drug testing ng Philippine Drug Enforcement Agency kaugnay ng “Oplan Harabas: Biyaheng Ayos” ngayong pag-obserba ng Semana Santa.

Ayon kay Carlo Fernandez lll, tagapagsalita ng PDEA-Bicol regional office sa pangunguna ng kanilang regional director Ronald Allan DG Ricardo nasa 193 drivers ng iba’t ibang pampublikong sasakyan ang isinalang ng ahensya sa unang araw ng operasyon upang masiguro ang kaligtasan ng mga bumibiyahe ngayong Holy Week.

Nabatid na 118 na isinalang sa drug test ay mula sa Naga City Central Business District Terminal habang ang 75 drivers ay mula sa ­Legazpi City Grand Terminal.

Sa 10 nagpositibo lima ay bus drivers na ilan ay patungong Metro Manila; isa ang sa UV Express at apat na tricycle drivers.

Lahat ng driver’s license ng mga ­nagpositibo ay pansamantalang kinumpiska muna ng Land Transportation Office habang isasalang pa silang lahat sa confirmatory test.

DRUG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with