^

Probinsiya

Obrero, tepok sa suntok ng kainuman

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Obrero, tepok sa suntok ng kainuman
Kinilala ang biktima na si alyas “Rene”, 37, at residente ng Brgy. San Roque, Antipolo City habang nakatakas at pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Roel”.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang construction worker nang mabagok ang ulo matapos na suntukin sa mukha ng kanyang kainuman sa Antipolo City, Rizal, nabatid kahapon.

Kinilala ang biktima na si alyas “Rene”, 37, at residente ng Brgy. San Roque, Antipolo City habang nakatakas at pinaghahanap na ng mga awtoridad ang suspek na si alyas “Roel”.

Lumilitaw sa ulat ng Antipolo City Police na dakong alas-11:30 ng gabi ng Linggo, Abril 13, nang maganap ang insidente sa Brgy. San Roque ngunit naiulat lamang dakong alas-3:00 ng hapon ng Lunes, Abril 14.

Bago ang insidente ay nag-iinuman umano ang biktima at suspek sa naturang lugar nang sa ‘di pa mabatid na kadahilanan ay bigla na lang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga ito na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Sa kasagsagan ng kanilang pagtatalo ay sinuntok umano ng suspek sa mukha ang biktima, na nawalan ng balanse at nabagok ang ulo, at saka ito iniwanan.

Nang makita naman ng kanyang kapatid na lalaki ang biktima ay kaagad itong isinakay sa isang tricycle na nakaparada sa gilid ng kalsada at doon pinabayaang magpahinga, sa pag-aakalang nakatulog ito dahil sa kalasingan.

Kinabukasan umano ng tanghali ay binalikan pa umano ng kapatid ang biktima, na humihinga pa, at nang mapunang natutulog pa ito ay muli itong iniwan.

Gayunman, nang mapadaan umano sa lugar ang hipag ng biktima ay napuna nitong hindi na ito humihinga kaya’t kaagad na humingi ng tulong sa mga kaanak at mga awtoridad.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with