^

Probinsiya

3 pedestrian inararo ng multicab: 1 patay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang isang 22-anyos na lalaking pedestrian habang sugatan ang dalawa pang kasabayan nito na tumatawid sa kalsada, kamakalawa sa Old Pala-Pala Road, Brgy. Sampaloc 1, Dasmariñas City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-5:10 ng madaling araw, magkakasabay na naglalakad sa sidewalk ang mga biktima na kinilalang sina Ramiro Raymundo, 26-anyos; Mark Louie Elustre, at Luis Angelo Lagoras, 22; pawang residente Brgy. Sampaloc 1 Dasmariñas City, nang bigla silang araruin ng humahagibis na multicab.

Tumalipon si Lagoras at napuruhan sa ulo sanhi upang ideklarang dead-on-arrival sa ospital habang sugatan ang dalawa.

Sa pagsisiyasat, bumabagtas ang isang pampasaherong jeepney (DWX 737) na minamaneho ni Mark Angelo Sarita, 33, na sinusundan ng Rusco Multicab (JAN 9158) na nakarehistro sa isang Gerlou D. Usares at nagpumilit umano itong mag-overtake dahilan upang masuyod nito ang mga naglalakad na biktima.

Tumagilid ang multicab at dire-diretsong sumalpok sa puno ng acacia sa gilid ng kalsada bago bumangga sa pampasaherong jeep.

Imbes na huminto at tulungan ng driver ang mga biktima, mu­ling pinaarangkada nito ang multicab at tuluyang tumakas.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with