US Navy aircraft nasiraan sa ere, nag-emergency landing
MANILA, Philippines — Isang United States (US) Navy aircraft ang iniulat na nag-emergency landing sa Balesin Island, Polillo, Quezon nitong Sabado ng hapon.
Sa inisyal na report na nakarating sa Police Regional Office (PRO-IVA) at AFP-Southern Luzon Command ang nasabing aircraft ay kinalululanan ng pilotong sina US Navy officer Cooper Grever at co-pilot nitong si Madeline Mattingly habang ang mga crew naman ay sina US Navy personnel Joseph Schul at Galluin Small.
Nabatid na kasalukuyang lumilipad ang nasabing US Navy aircraft nang magkaroon ito ng problema sa makina.
Bunga nito, napilitang mag-emergency landing sa nasabing isla ang nasabing aircraft.
Ayon pa sa report, nasa ligtas namang kalagayan ang mga piloto at crew ng nasabing US Navy aircraft matapos na maayos itong makapag-emergency landing bago pa man may mangyaring masama sa mga ito sa himpapawid.
Samantala, bandang alas-9 ng gabi nitong Sabado nang ganap na makumpuni ang nasiraang US Navy aircraft.
- Latest