^

Probinsiya

Tomboy utas sa pamamaril, 1 pa sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang tomboy habang sugatan naman ang kasamahan nito matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang riding-in-tandem na mga armadong salarin sa kahabaan ng Quezon Avenue, Rosary Heights 2, Cotabato City nitong Miyerkules ng hapon.

Ang biktimang kinilalang si Almira Hamsa Usman, 27-anyos, residente ng Bagua 2 ng lungsod ay idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang kasama nitong si Jane Ersando Palileo, may asawa, isang negosyante at naninirahan sa Rosary Heights 12 ng lungsod sa tinamong mga tama ng bala sa kaniyang katawan.

Sa report ng Cotabato City Police, dakong alas-3;40 ng hapon habang ang dalawa ay magkaangkas sa kulay berdeng Yamaha Nmax motorcycle nang biglang dikitan ng isa ring motorsiklo saka pagbabarilin ng malapitan ng backrider ang mga ito. Sunud-sunod na putok ang umali­ngaw-ngaw at kasunod nito ay duguang tumilapon sa motorsiklo ang dalawang biktima.

Mabilis namang nagsitakas ang mga suspect patungo sa hindi pa malamang destinasyon na sinamantala ang pagkakagulo ng mga tao sa lugar.

Nagawa pa ang mga itong maisugod sa pagamutan ng mga sumaklolong rescue team pero nabigo nang maisalba sa pagamutan si Usman.

PAMAMARIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with