Kaanak, bodyguard ng mayor timbog sa droga

BAGUIO CITY, Philippines — Inaresto ng mga elemento ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Regional Office 1 at Dagupan City Police ang umano’y kaanak at bodyguard ng alkalde sa Pangasinan sa isang anti-illegal drugs buy-bust operation sa nabanggit na lugar nitong Lunes.
Ang mga dinakip ay sina Beverly De Vera Parayno, 45, ng Brgy. Bayaoas Urdaneta City, Pangasinan na umano’y pinsan ng suspendidong Urdaneta City Mayor Julio “Rammy” Parayno III; live-in partner na si Romeo Nabalon Emboltorio, 63, administrative aide/bodyguard umano ng mayor, residente ng Barangay San Jose Urdaneta City, at isang Louie Reyes Fermin aka “Bobby”, 3, ng Brgy. Bonuan Gueset, Dagupan City, Pangasinan.
Nakuha mula sa mga suspek ang anim na gramo ng shabu na may street value na P40,800 na nakasilid sa 7 piraso ng heat-sealed plastic sachet.
Nasakote ang mga suspek mag-aalas-4 ng madaling araw nitong Pebrero 10 sa buy-bust operation sa Brgy. Bonuan Gueset, Dagupan City. Nasamsam sa mga suspek ang isang piraso ng P500 at walong piraso ng P1,000, isang kalibre .45 na Colt MK IV at magazine na may walong bala at iba pa.
Una nang napatawan ng isang taong suspension si Parayno III dahil sa paglabag sa dalawang probisyon ng Republic Act 11032 (Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018) bunsod sa reklamong hindi pamimigay ng business permit sa kabila ng pagsunod ng aplikante sa lahat ng rekisito upang magawaran ng permiso upang makapagnegsoyo.
- Latest