^

Probinsiya

Mister namatayan ng misis, nanakal ng babae sa jeep!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa matinding depresyon sa pagkamatay ng kaniyang misis, isang 26-anyos na mister ang tila naburyong at nanakal ng babaeng nakasakay sa loob ng pampasaherong jeepney sa Bago Aplaya, Davao City nitong Lunes ng umaga.

Arestado naman ang suspect na kinilala sa alyas na “Renzo” habang ang biktima ay itinago naman sa pangalang Anna, 19-taong gulang.

Sa inisyal na ulat ng Davao City Police, kasalukuyang lulan ng jeep si Anna nang bigla siyang sunggaban at sakalin ni Renzo.

Ang suspect ay sumampa sa behikulo at tinabihan ang biktima na sinabi pang “Mamatay ka na rin, mamatay ka na rin,” habang sinasakal ang babaeng pasahero.

Sinaklolohan naman si Anna ng mga lala­king kapwa nito pasahero sa jeep hanggang sa dumating ang nag­respondeng mga pulis at arestuhin ang suspect.
Ayon sa pulisya, mabuti na lamang umano at walang patalim ang suspect at tanging galos lang ang tinamo ng biktima.

Sa presinto, sinabi ng suspect na namatayan umano siya ng misis at labis na nagdadalamhati kaya nagawang manakal ng babae.

RENZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with