^

Probinsiya

Lalaki, utas sa love triangle

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki matapos siyang pagbabarilin ng walong beses ng lalaking dating karelas­yon ng kanyang live-in partner sa Sta. Barbara, Iloilo.

Bago ang krimen, nag-uusap ang biktima at suspek kasama ang babae na kapwa nila minahal.

Sa ulat kahapon, ikinuwento ng babae na itinago sa pangalang “Maymay,” na nag-uusap ang suspek at biktima sa kanilang bahay nang biglang bumunot ng baril ang dati niyang karelasyon at binaril ang bago niyang kinakasama.

Nagawa naman ng biktima na makatakbo hanggang sa kalsada na nakuhanan sa CCTV camera. Pero sinundan pa rin siya ng suspek at nang abutan ay muling pinagbabaril na dahilan ng pagkamatay nito. Walong tama ng bala ang tinamo ng biktima.

Ayon sa Maymay, sinabihan pa ng suspek ang biktima na wala na siyang sama ng loob at tanggap na ang bagong karelasyon nito.

Nagbilin lang umano ang suspek na mahalin at huwag ipagdadamot sa kaniya ang mga bata na kanilang anak.

Ngunit ayon sa kapatid ng suspek, posibleng nagalit ang suspek dahil walang naging closure nang maghiwalay ng dalawa.

Desidido ang pamilya ng biktima na kasuhan ang suspek na patuloy na tinutugis.

CCTV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with