^

Probinsiya

P43 milyong electronics nasamsam sa raid ng CIDG

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa P43 mil­yong halaga ng electro­nics ang nakumpiska ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Meycauayan, Bulacan.

Kinilala ni CIDG Director Police BGen. Nicolas Torre III ang isa sa apat na naaresto na si  Chi Ho, may-ari ng Hot Screen Electric Corporation, sa Sterling Industrial Park, Brgy. Libtong.

Ayon kay Torre, isinagawa ang operasyon nitong Miyerkules sa bisa ng  search warrant mula sa Regional Trial Court ng Capas, Tarlac dahil sa paglabag sa Consumer Act of the Philippines.

Nakuha sa lugar ang nasa mahigit 3,183  smart TV units ng iba’t ibang brand, kasama ang mga TV parts, monitors, at iba pang electronics na nagkakahalaga ng mahigit P43 milyon.

Ani Torre target nila ang mga large-scale illegal manufacturing at distribution ng mga produktong makakaapekto sa operasyon ng mga lehitimong negosyante.

Binigyan diiin ni Torre na ang operasyon Oplan Megashopper ay alinsunod sa kautusan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. naprotektahan ang interes, kapakanan at karapatan ng publiko gayundin ang  business industry.

CIDG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with