Marijuana plantation sinira ng PDEA-12
COTABATO CITY , Philippines — Magkatuwang na binunot ng mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency (pdea) mga pulis at sundalo ang 11,043 mga puno ng marijuana sa isang anti-narcotics operation sa Barangay Blaan sa Malungon, Sarangani nitong Huwebes.
Sa ulat nitong Biyernes ni Benjamin Recites III, director of the PDEA-12, hindi bababa sa P2.2 milyon ang halaga ng mga pananim na marijuana na natagpuan ng mga otoridad sa isang liblib na pook sa Barangay Blaan.
Natunton ng raiding team ang eksaktong kinaroroonan ng naturang marijuana farm sa tulong ng mga barangay officials at mga Blaan tribal leaders, ayon kay Recites.
Agad na sinunog ng raiding team ang 11,043 na mga puno ng marijuana na kanilang binunot upang hindi na mapakinabangan.
Ayon kay Recites, nagpahayag ng suporta ang local officials sa Malungon sa pagsampa ng kaukulang mga kaso laban sa mga may-ari ng naturang marijuana farm na mabilis na nakatakas ng mapuna ang raiding team na parating na sa kanilang kinaroroonan.
- Latest