^

Probinsiya

Kelot na nakialam sa pagtatalo binaril, dedo

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin nang tangkaing makialam sa mainitaang pagtatalo sa pagitan ng suspek at isang saksi kahapon ng umaga sa Sta. Maria, Laguna.

Nadiskubre ang bangkay ni Vicente Aveneda Jr. na nakahandusay sa kalsada ng mga rumes­pondeng pulis sa Sitio Sulat, Barangay Parang ng Buho, dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Bago ang pamamaril, sinabi ng pulisya na ang suspek – isang alyas Herson ay sakay ng puting Isuzu Crosswind at nasa ilalim ng impluwensya ng alak ay dumating sa bahay ng isang saksi.

Sa komprontasyon sa pagitan ng suspek at isang saksi, dumating si Aveneda upang subukang patahimikin ang dalawa, gayunpaman, nagalit ang suspek sa biktima.

Dahil dito, bumunot ng baril ang suspek at binaril ang biktima ng ilang beses nang malapitan, na nagresulta sa kanyang agarang kamatayan.

VICENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with