^

Probinsiya

Bagong silang na sanggol, inabandona sa baybaying dagat

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang bagong silang na sanggol na pinaniniwalaang sinad­yang iwanan sa tabi ng baybaying dagat ang nailigtas sa tiyak na kapahamakan matapos matagpuan ito ng dalawang bata at nailigtas ng mga pulis sa Brgy.Dayhagan, Aroroy, Masbat, kamakalawa ng umaga.

Nasa mabuti nang kalagayan sa municipal health center ang babaing sanggol habang patuloy na ina-alam ang responsable sa pag-abandona rito.

Sa ulat, alas-11:30 ng umaga habang naglalakad sa tabing dagat ang dalawang bata na sina Raffy at Marwin, residente ng naturang lugar nang magulantang sa nakita na may isang sanggol na umiiyak habang nakabalot sa lampin na kulay puti at asul.

Agad rumesponde ang mga pulis na nakatalaga sa 1st Provincial Mobile Force Safety Company at nakitang nilalanggam na ang sanggol na hindi pa natatanggal ang ambilical cord.

Mabilis itong isinugod ng mga pulis sa municipal health center ng bayan at nilinisan saka pinutol ang ambilical cord.

Patuloy sa imbestigasyon ang mga pulis para matukoy kung sino ang ina ng sanggol at ang responsable sa pag-abandona rito.

SANGGOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with